Ganap of The Day

[SPOILERS WARNING] The Good Son (1993) Review: Kevin McCallister, Naging Sira-ulo

Mark Evans (Brown hair) and Henry Evans (Blond hair). Gusto ko suntukin si Henry.   Kilala niyo na siguro si Macaulay Culkin, or si Kevin, n...

Tuesday, January 30, 2024

[SPOILERS WARNING] The Good Son (1993) Review: Kevin McCallister, Naging Sira-ulo

Mark Evans (Brown hair) and Henry Evans (Blond hair). Gusto ko suntukin si Henry.

 
Kilala niyo na siguro si Macaulay Culkin, or si Kevin, na galing sa Home Alone. Kung hindi mo siya kilala, ano ginagawa mo sa buhay mo? Anyways, ang pelikulang ito ay tungkol sa dalawang magpinsan na sina Mark Evans (Elijah Wood), at si Henry Evans (Macaulay Culkin). Ngayon naman, sasabihin ko sa inyo kung sino sila, at kung may ubo ba sila sa utak. Spoiler warning na sa mga susunod na part, pre, kung ayaw mo makakita ng spoilers, edi don't.



SPOILERS WARNING. HULING BABALA.



Mga (Main) Tauhan:

 

- Mark Evans, played by Elijah Wood

Si Mark ang totoong role model sa pelikulang ito. Mas matalino siya compared sa mga adults doon, at nalaman niya agad na may asthma sa utak si Henry. Malakas din loob niya, kaso mahilig siya matumba. Bonus, di naman siya tahimik.

 


- Henry Evans, played by Macaulay Culkin

Oh eto na. Ito na ang pinakagusto niyong part.

Kung natraumatize masyado si Kevin sa mga nangyari sa Home Alone, si Henry ang kalalabasan. Ever since pinanood ko ang "The Good Son", lagi kong iniisip na ang sarap talaga sapakin ni Henry sa mukha. Oo, cute siya, sa totoo lang, pero panget ugali niya. May osteoporosis sa utak.


Overall Thoughts sa Movie:

Nagustuhan ko naman. Kahit medyo mabagal sa una, okay lang yun. Sa start, feeling mo talaga mabait si Henry at wala siyang gagawing masama. Kaso sa start lang yan, kaibigan. Lumalabas ang tunay na kulay ni Henry. (Which is red. Kasi red flag siya.)

Maganda rin yung pagkagawa nila, at ang acting. Nanalo pa nga si Elijah Wood ng "Best Young Actor" e. Kahit minsan may mga scene na medyo nakakalito, na mapapaisip ka ng "Nuginagawamo?", sa ending, masasagot na lahat ng tanong mo. Pero sa tanong na "Ba't ganyan si Henry?"... di ko alam. Wala ring sinabi sa movie. Ganyan na siya talaga.

Sa ending naman? Ang ganda. Ang ganda talaga. Deserb. Malapit na nga mahulog si Henry, wala pa siyang emosyon sa "I love you mom" niya. Puwede siyang manalo sa Walang Pake contest. Buti na lang talaga nakaligtas pa si Mark.

Sa aking palagay, 8.2/10. Pero dahil cute sina Elijah at Macaulay, 9/10.

(P.S. What if naglaban si Esther, si Luke Lerner, at si Henry? Sino kaya mananalo? Sino mabibigyan ng bearbrand? Sino ang hindi ga-graduate?)