![]() |
| Mark Evans (Brown hair) and Henry Evans (Blond hair). Gusto ko suntukin si Henry. |
SPOILERS WARNING. HULING BABALA.
Mga (Main) Tauhan:
Si Mark ang totoong role model sa pelikulang ito. Mas matalino siya compared sa mga adults doon, at nalaman niya agad na may asthma sa utak si Henry. Malakas din loob niya, kaso mahilig siya matumba. Bonus, di naman siya tahimik.
- Henry Evans, played by Macaulay Culkin
Oh eto na. Ito na ang pinakagusto niyong part.
Kung natraumatize masyado si Kevin sa mga nangyari sa Home Alone, si Henry ang kalalabasan. Ever since pinanood ko ang "The Good Son", lagi kong iniisip na ang sarap talaga sapakin ni Henry sa mukha. Oo, cute siya, sa totoo lang, pero panget ugali niya. May osteoporosis sa utak.
Overall Thoughts sa Movie:
Nagustuhan ko naman. Kahit medyo mabagal sa una, okay lang yun. Sa start, feeling mo talaga mabait si Henry at wala siyang gagawing masama. Kaso sa start lang yan, kaibigan. Lumalabas ang tunay na kulay ni Henry. (Which is red. Kasi red flag siya.)
Maganda rin yung pagkagawa nila, at ang acting. Nanalo pa nga si Elijah Wood ng "Best Young Actor" e. Kahit minsan may mga scene na medyo nakakalito, na mapapaisip ka ng "Nuginagawamo?", sa ending, masasagot na lahat ng tanong mo. Pero sa tanong na "Ba't ganyan si Henry?"... di ko alam. Wala ring sinabi sa movie. Ganyan na siya talaga.
Sa ending naman? Ang ganda. Ang ganda talaga. Deserb. Malapit na nga mahulog si Henry, wala pa siyang emosyon sa "I love you mom" niya. Puwede siyang manalo sa Walang Pake contest. Buti na lang talaga nakaligtas pa si Mark.
Sa aking palagay, 8.2/10. Pero dahil cute sina Elijah at Macaulay, 9/10.
(P.S. What if naglaban si Esther, si Luke Lerner, at si Henry? Sino kaya mananalo? Sino mabibigyan ng bearbrand? Sino ang hindi ga-graduate?)


No comments:
Post a Comment